JHON ALLEN BULAWAN ALMIRA
6 min readApr 9, 2022
DEKADA 70

PAGSUSURI SA NOBELA- DEKADA 70

Hindi maipagkakaila sa marami na ang panahon ng Dekada ’70 ay panahon ng lagim. Matutuklasan na’tin ang kwento ng isang disenteng pamilyang nakaranas ng mga pangyayari sa panahon ng pamumuno ng dating pangulong Ferdinand Marcos, ang panahon ng Marial law na hindi kailanman nila inaasahang harapin. Dahil sa mga pangyayaring ito, nag iba ang takbo ng kanilang buhay. Paano nila ito nalagpasan bilang isang pamilya?

Sa pamagat na “Dekada ‘70” ay makikita na agad ang pahapyaw ng panahon kung kailan ito nangyari, maaaring ginamit ito ng akda dahil ang mga pangyayari sa pelikulang ito ay naganap sa pagitan ng mga taong 1970 at 1979. Isinasalamin ng akdang ito ang mga pangyayari noong panahon ng dating pangulo na nagdeklaro ng Martial Law, ang pagpapatupad niya ng Batas Militar sa buong Pilipinas at ang mga pangyayari noong panahon na iyon.

Ang May-Akda

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling-kwento pero nakakuha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula. Ipinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Maynila noong ika-2 ng Disyembre 1945. Siya ay nagtapos sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958 at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines ngunit nag drop-out bago man niya matapos ang kaniyang unang taon. Kung mapapansin natin, ang kaniyang mga akda ay nagtataglay ng pag-ibig sa bayan at pagmamalasakit dito. Naging instrumento niya ang pagsusulat upang maipakita ang mga maling kalakaran sa lipunan na nagpapahirap sa mga Pilipino.

Ang kanyang istoryang “Dekada ‘70” ay tungkol sa mga karanasan ng isang disenteng pamilya na naranasan ang mga pagbabago simula noong naing Batas Militar ang buong bansa. Ipinakita niya sa akdang ito ang nagpalakas sa loob ng mga mamamayang Pilipino na lumaban sa kanilang mga Karapatan bilang Pilipino. Nangyari o kasama sa akdang ito ang pagbobomba ng Plaza miranda, ang pag sususpindina ng “Writ of Habeas Corpus”, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang pang aabuso ng mga military sa mga mamamayan.

Mga Tauhan

Amanda- siya ang ilaw ng tahanan ng mga Bartholome. Buong buhay niya ay hindi siya lubos na nagging masaya kahit pa nagkaroon na siya ng pamilya at para bang may kulang parin siya sa pamilya niya. Siya ang mapagmahal sa mga anak niya, at sinuportado si Jules na makipagkilusan o magpropaganda. Si Amanda ang sumasalamin sa uri ng mga babaeng noong panahon na iyon, ang kanyang mga gustong gawin ay nababalewala lamang dahil lagging sinasabi ng kanyang asawa ay siya ay “babae lamang”.

Julian- siya naman ang haligi ng tahanan. Naniniwala siyang ang mundo ay ginawa para lamang sa mga lalaki. Na ang lalaki ang mas may karapatan sa pamilya at ang mga babae ay tagasunod tagapakinig lamang ngunit sa huli ay naliwanan din ang kaniyang isip. Isa siyang antagonista sapagkat mahigpit siyang ama. Subalit sa huli ay naliwanan din sa tunay na sitwasyon ng lipunan. Siya ang nagsisimbolo na ang lalake ay malakas lang dapat o di umiiyak, o nagpapakita ng feelings. Sa dulo ng storya, nilabas niya ang totoong pakiramdam niya.

Jules- Siya ang pinakamatanda sa lima na magkakapatid. Malakas ang kanyang paninindigan bilang tao at bilang isang mamamayan ng Pilipinas. Matapos matuklasan nina Amanda at Julian ang kanyang pagkahilis sa kilusang paglaban, sa una ay hindi ito payag dahil sa sobrang pag aalala ni Amanda nab aka siya ay mapahamak lamang. Ngunit, nang tumagal ay sinuportahan lamang siya ng mga ito. Nagkaron ng asawa at anak sa kilusan.

Isagani- Siya ang pangalawang anak nila Amanda at Julian. Siya naman ay may pangarap maging US Navy ng Estados Unidos noong bata pa lamang siya. Sa kabila ng pagtutol ni Jules dahil sa kakulangan ng pagiging makabayan nito, sa huli, si Gani ay naging sundalo nga at nagsilbi sa Estados Unidos. Noong siya ay binatilyo lamang, siya ang pinakaunang nagka anak sa kanilang magkakapatid. Asawa niya si Evelyn, at may isang anak na babae.

Emmanuel- Ang pangatlong anak ng mga Bartolome na nagsusulat ng pinagbabawalang panitikan na tungkol sa mga illegal na transaksyon at negatibong balita tungkol sa pamahalaan. Narinig din niya ang pagkamatay ng kanyang kapatid na si Jason noong 1977.

Jason- ikaapat at pinakapaboritong anak ng kanilang ama. May magiliw na personalidad, palabiro at sinasabing sa ama niya namana ang mga ito. Siya ay isang high school student at ipinakita sa pelikulang mababa ang kanyang mga marka sa akademiya niya. Siya ang nakikipag-date sa kanyang kasintahang si Bernadette. Naghiwalay sila ni Bernadette dahil sa araw ng pasko ay dapat siyang ipapakilala ni Bernadette sa kanyang pamilya ngunit hindi nakadating si Jason dahil hindi siya pinayagan ni Amanda, sa halip ay nag pasko sila sa kuya niyang si Jules na nasa bilangguan noon. Pinatay siya at sinaksak ng maraming beses ng mga tiwaling pulis noong 1977, ang kanyang pagkamatay ay natuklasan ng kuya niyang si Emmanuel.

Benjamin/Bingo- Siya ang pinakabunso sa magkakapatid. Siya ay inosenteng bata pa lamang noong nagsimula ang Batas Militar, at ipinakita sa pelikulang nag aaral pa lamang siya. Mayroon siyang matigas na ulo na isa ring dahilan ng pag aaway nilang madalas ng kanyang kuya na si Jayson. Siya ang sinabihan ni Jayson na sabihin sa nanay nilang si Amanda na ipapakilala na si Jason sa pamilya ni Bernadette, ngunit sa katigasan ng ulo ay hindi niya ito sinabi sa nanay nila at nagresulta ito ng paghihiwalay ni Jason at Bernadette. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagiging matigas ang ulo.

Buod sa Pagsusuri

Isa sa mga problemang panlipunang ipinakita sa akdang ito ay ang pagtitingin ng mababa sa kababaihan, ang konsepto ng Femenismo. Isinalamin ito ni Amanda, ang kagustuhan niyang mag trabaho upang maramdaman naman ang kanyang halaga sa kanilang pamilya ay hindi pinayagan ni Julian dahil para sakanya, nagsisimbolo itong hindi niya nagagampanan ng maayos ang tungkulin niya sa pamilya. Hindi kailanman naging rason ang pagiging babae upang tratuhin si Amanda ng ganito. Ipinanganak tayo ng pantay pantay lamang at ganun din dapat ang turing ng bawat isa sa pagpapakita ng halaga nito.

Isa ring problemang panlipunan nag napansin ko sa akdang ito ay ang konsepto ng Eksistensyalismo at ang konsepto ng Toxic Masculinity. Ang konsepto ng Eksistensyalismo ay nagmula sa mga Existentialist na nangyayari sa lipunan kapag ang isa ay walang kaya sa buhay o walang ambag sa lipunan, maituturing na itong walang silbi, na hindi naman dapat. Ang konsepto naman ng Toxic Masculinity ay tumutukoy sa pag ii-stereotype ng mga tao sa mga katangian ng isang lalaki. Na ang mga lalaki ay dapat matatag, ambisyoso, may pangarap sa buhay, matapang at mataas ang paninindigan. Isinalamin ito ni Julian, ang ama sa pamilya ng Bartolome. Sa kabuuan ng akda ay ipinakita niya lamang ang kanyang katatagan, at ang pagiging ama sa kanyang pamilya, ngunit noong namatay si Jason ay naipakita niya kay Amanda ang kanyang kahinaang loob. Dahil masyado siyang nasanay sa pagiging matatag para sa pamilya ay nakalimutan niya nang ipahayag ang kanyang sarili sa harap ng taong mahal niya. Hindi lahat ng bagay ay magiging matatag ang mga lalaki, normal lang ang umiyak, humagulhol at ilabas ang nararamdaman dahil sa huli ay mga tao lamang ang mga lalaki.

Ang aking konklusyon po sa nobelang ito o pelikulang ito, ay sobrang marami po na nangyare sa panahon na iyon, sa panahon ng nagdeklaro ng Martial Law. Masasabi po naten, may nangyari na masama, tas may mga nangyare ren maganda. Maraming masami nangyare, dahil maraming namatay na tao, pagkakaroon ng extra judicial killings, at pinapakita po mga nangyare sa panahon na iyon. Sa mga maganda naman nangyare, ay maraming pagbabago sa mga panahon na iyon, pero ang napansin ko lang sa nobelang ito, ang mga masamang nangyare lang pinakita sa nobelang ito. Ilahat kona po, may mga kanya kanya pong tayo masasabi o opinions, masama man yan o hindi, sa panahon na iyon. Pero ang masasabi ko lang po, sa panahon na iyon parang ‘’bagyo, may mga naapektuhan, meron ren ang di naapektuhan’’.

Maganda po itong nobela. Maganda pong nobelang ito, para sa mga gustong malaman ang mga masamang nangyayare, o paano ang pamumuhay nung may Martial Law, at may pelikulang ito, para ma visualize ang mga gustong malaman talaga, ang mga nangyayare. Marerekommend kop o ito sa sambayanang Pilipino, para alam ang historya ng Pilipinas, o ang mga pinagdaanan ng mga Pilipino sa kasalakuyang panahon. Sobra po akong naenjoy sa pelikula, at baka isa na ren yon sa mga gusto kong pelikula na pang Pilipino.

No responses yet